Most wanted na rapist sa Calabarzon, arestado

0
395

Sta. Cruz, Laguna.  Arestado ang isang akusadong rapist na rank 4 sa listahan ng Most Wanted Person sa CALABARZON sa kasong Qualified Rape.

Kinilala ni Police Colonel Cecilio R. Ison Jr ang nadakip  na si Luisito Cacao Mabuyo, 52 anyos na construction worker at nakatira sa Brgy Palo Alto, Calamba City, Laguna.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Arnel L. Pagulayan hepe ng Calamba City Police Station (CPS), inaaresto ang akusado kahapon Hunyo 6, 2022 sa ganap na 7:10 ng gabi sa Brgy. Palo Alto, Calamba City, Laguna.

Nakaharap ang akusado sa walang piyansang kaso na Qualified Rape na isinampa noong Mayo 5, 2022na inilabas ng Family Court Br. 8, Calamba City, Laguna.

Sa bukod na manhunt operation ng Calamba CPS, nadakip din si Angelica Mendoza Bienes, 27 anyos na vendor at nakatira sa Brgy Looc, Calamba City, Laguna kahapon sa bisa ng warrant of arrest na isinampa laban sa kanya sa kasong paglabag sa walong kaso ng Cybercrime Prevention ACT of 2012.

Sa isa pang manhunt operations na ikinasa ng Santa Cruz Municipal Police Station ay inaresto si Miguel Capino, 24 anyos na nakatira sa Brgy. Uno, Pagsanjan, Laguna kahapon sa Mabini St., Brgy. Poblacion 3, Santa Cruz, Laguna, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 (16 Counts) at Cybercrime Prevention Act of 2012 (4 counts) na ibinaba ng Regional Trial Court, Branch 26, Santa Cruz, Laguna.

Matagumpay na naisagawa ang operasyon sa pamamagitan ng nakalap na impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN’s) ng komunidad. Ang operasyong ito ay patunay na hindi tayo titigil sa pagsawata sa mga taong may pananagutan sa batas, at para mabigyan ng hustisya ang mga biktima, ayon sa pahayag ni PBGen Antonio C Yarra.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.