Most Wanted rapist sa Cebu, nasakote sa Cavite

0
207

TANZA, Cavite. Matapos ang ilang buwan ng pagtatago sa batas, naaresto ng pulisya ang Most Wanted Person sa Cebu dahil sa 9 counts ng kasong panggagahasa, sa ilalim ng isinagawang paglusob sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Daang Amaya 1, Tanza, sa lungsod na ito sa Cavite, kahapon.

Hindi na nakaligtas pa si John Paul Lirasan Llego, 25 anyos na truck helper ng Blk. 2 Lot 2 sec. 35 Bellview Meadows Subd., Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite ng siya ay dakmain ng pulisya.

Ayon sa ulat ni Police Major Dennis Ambagan, hepe ngTanza Municipal Police Station, isinagawa ang operasyon bandang 11:30 ng umaga kung saan nagkaisa ang Cebu Police, Cebu Provincial Police Office, at Cavite Police na arestuhin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa 7 na bilang ng “qualified rape” at 2 na bilang ng “qualified rape by sexual assault” na inisyu ni Judge Francis Rainier Rodriguez Navarrete, acting presiding judge ng Regional Trial Court, Seventh Judicial Region, Br. 62, Oslob Cebu.

Nahuli ng grupo ang suspek at hindi ito makapalag nang posasan siya ng raiding team.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.