Most Wanted sa Calamba City, arestado

0
423

Calamba City, Laguna. Nadakip ng mga tauhan ng municipal station (MPS) sa lungsod na ito ang isang Most Wanted Person na matagal ng pinaghahanap ng pulisya hinggil sa kasong frustrated homicide.

Si Efren John Bonete alyas Ejay, 26 anyos na wig maker at residente ng Barangay Looc sa nabanggit na lungsod ay inaresto ng Calamba MPS sa pangunguna ni PLTCOL Arnel L Pagulayan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 37 ng Calamba City, Laguna sa kasong tangkang pagpatay.

Ikinulong sa Calamba MPS ang akusado habang inaabisuhan ang korte kung saan ay nakasampa ang kaso laban sa kanya, ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director, Police Colonel Rogarth B. Campo reported kay Calabarzon Regional Director, Police Brigadier General Antonio C. Yarra

“Ang mga patuloy na nagtatago sa kamay ng batas ay patuloy na tutugisin hanggang sila ay maikulong, ang mga Intervention at operasyon ng Laguna PNP laban sa wanted person ay hindi titigil para sa kaligtasan ng Lagunense,” ayon sa mensahe ni Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.