BATANGAS CITY. Nasunog ang motor tanker sa Alpha Anchorage Area sa Batangas.Isa ang nasawi sa maritime accident na kinasasangkutan ng Sea Horse tanker kahaponng umaga, Oktubre 22.
Kaagad na rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard Station (CGS) Batangas sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na silang umapula ng apoy.
Nagsagawa rin sila ang search and rescue operation uat nagbigay ng tulong sa mga apektadong indibidwal.
Sa tulong ng tatlong tugboat na Motor Tug Great Lark, Motor Tug Sedar 7, at Motor Tug Sedar 8, na nagmula malapit sa lugar ng sunog, matagumpay na napuksa ang apoy. Kasama rin ang Philippine Coast Guard Diesel Fast boat (DF 308) at ang Bureau of Fire Protection sa mga naglunsad ng fire combat operation sa nasusunog na barko.
Bandang 11:08 ng umaga, idineklarang fire out ang distressed vessel. Kasalukuyang nagpapatuloy ang pagsusuri at imbestigasyon ng mga awtoridad, partikular na sa Coast Guard Sub Station Batangas City, upang matukoy ang naging sanhi ng sunog at hinahanap din bangkay ng nasawi.
Nagpatupad rin ang Marine Environmental Protection Group Batangas ng koordinasyon sa Petron Company para sa standby oil spill boom bilang bahagi ng kanilang hakbang para sa posibleng pagtugon sa oil spill.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo