Motorcycle hijacker, arestado sa Binan City

0
173

Binan City, Laguna.  Arestado sa lungsod na ito ang isang magnanakaw ng mga motorsiklo matapos may magreport habang aktong ninanakaw nito ang isang motorbike.

Kinilala ni Acting Provincial Director ng Laguna Police Office PCOL Cecilio R. Ison Jr ang suspek na si Alvin Lauriano, 30 anyos at residente sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City sa NCR.

Nauna dito, noong Mayo 23, 2022, bandang 6:00 ng gabi, isang saksi ang nakakita sa suspek sa aktong kinukuha ang ang isang dilaw na Yamaha Mio na pag aari ng isang nagngangalang Muhammad Lambas, Highmax Construction Supply sa national highway. 

Agad na nagsumbong ang saksi sa may ari ng motor at hinabol nila ang suspek na sakay sa ninakaw na motorsiklo. 

Nakorner ng mga pulis ang suspek sa isang Comelec checkpoint. Nabawi ang motorsiklo at nakuha din sa kanya ang isang Caliber 38 Smith at Wesson na walang kaukulang permit.

Kasalukuyang nasa custodial facility ng Binan City MPS ang suspek at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso, ayon sa report ni PCOL Ison kay Police Regional Director PRO-CALABARZON .

Photo credits: Laguna Provincial Police Office
Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.