Motorcycle rider sumalpok sa jeep, patay

0
243

Sto. Tomas, Batangas. Dead on arrival saospital ang isang 36 anyos na rider matapos sumalpok sa isang pampasaherong jeep ang minamaneho niyang motorsiklo sa kahabaan ng J.P. Laurel highway, Barangay San Roque sa lungsod na ito kaninang alas 11 tanghali.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay kinilalang si Nel Anthony Coronel, may-asawa at isang company supervisor.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Sto.Tomas City Police Station, nawalan ng panimbang ang biktima sa isang kurbada sa highway sa madulas at basang bahagi nito kung kayat hindi na nakayang umiwas sa kasalubong na jeep na minamaneho naman ng isang nagngangalang Marblend Regana.

Sa lakas ng pagkabundol nahati sa gitnq ang Honda click ng biktima samantalang natanggal naman ang unahang bahagi ng pampasaherong jeep.

Nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide si Regana.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.