Motorcycle-riding robbers, nasakote sa Laguna

0
398

Biñan City, Laguna. Nasakote ng mga miyembro ng police station sa lungsod na ito ang dalawang holdaper na sakay sa motorsiklo kagabi.

Nadakip sa ilalim ng manhunt operations ang mga suspek na sina Kenkhannamel Bati, 27 anyos na residente ng Barangay Tagapo, Santa Rosa City, Laguna at Eljohn Espeleta, 25 anyos na mekaniko at residente ng Brgy. Malaban, Biñan City.

Isinagawa ang manhunt operations matapos magreklamo sa Biñan Police Station ang biktima na si Diana Rose Marquez. Ayon sa kanya salaysay, hinihintay niya ang kanyang asawa kagabi sa  National Hi-way Almazora, Barangay Canlalay sa nabanggit na lungsod ng tumigil ang isang motorsiklo at nagdeklara ng holdap ang mga sakay nito at tinutukan siya ng baril sa ulo. KInuha ng mga suspek ang kanyang wallet at cellphone at tumakas papunta sa direksyon ng Olivarez sa Brgy. San Vicente. 

Namataan ng mga miyembro ng ikinasang manhunt operations ang dalawang suspek sa Capinpin Street sa Brgy. San Vicente at pinara sila ng mga pulis. Nakuha sa kanila ang isang .38 na baril, iba’t ibang brand ng cellphone at ang anim na libong pisong nakuha sa biktima ng holdap. 

Kasakuyang nakakulong sa custodial facility ng Biñan City ang dalawang suspek at nakatakda silang sampahan ng mga kaukulang kaso, ayon sa report ni Acting Provincial Director of Laguna Police Provincial Office Police Colonel Cecilio R. Ison Jr.

Samantaka, ikinumpisal ng mga suspek ay may mga nauna pa silang hinoldap sa ibang lugar ng araw na yon at ang apat pang cellphones na narekor sa kanila ay dinambong nila sa mga biktima sa San Pedro City, Carmona, at Sta Rosa City.

Nanawagan si Police Brigadier General Antonio C. Yarra, Regional Director 4A Calabarzon sa mga naging biktima ng suspek na magtungo sa Binan CPS upang magsampa ng reklamo.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.