MPT South at Cignal TV, nagsanib-pwersa para sa 2021 Noche Buena drive

0
514

Nakipagsanib-pwersa ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC), sa Cignal TV, TV5, at iba pang MVP Group of Companies sa pagpapasigla ng taunang “Tuloy Pa Rin Ang Pasko” Movement sa misyon nitong palaganapin ang pagmamahal at saya sa kapwa Pilipino ngayong kapaskuhan sa kabila ng mga umiiral na hamon ng buhay.

Ang mga tsuper ng pambansang simbolo na Jeepney ay isa sa mga pinaka matinding naapektuhan ng mga pinsalang dala ng kasalukuyang pandemya. Hanggang ngayon, marami pa rin ang walang kabuhayan. Ngayong taon, pinili ng MPT South ang mga miyembro ng Paliparan-Baclaran Jeepney Operators and Drivers Association (PABODA), na tumatawid sa Dasmarinas, Cavite hanggang Paranaque, Metro Manila sa pamamagitan ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), bilang mga benepisyaryo ng mga aktibidad na ito ng CSR, ayon sa report.

Namahagi ng 50 Noche Buena packs ang MPT South sa PABODA jeepney drivers at operators noong Biyernes, Disyembre 10, sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng mga nabanggit na kompanya. Ang bawat pakete ay naglalaman ng mga staple ng Noche Buena tulad ng spaghetti pack, keso, at fruit cocktail, pati na rin ang mga de lata.

“Noche Buena has been a symbol of hope and joy of the Filipino family during Christmas eve. With these small Christmas packages, we hope that the families of PABODA members get to enjoy the festive holiday season and imbibe the spirit of togetherness despite being affected by the year-long pandemic,” ayon kay Arlette V. Capistrano, MPT South Spokesperson and AVP for Communication and Stakeholder Management.

Noong nakaraang taon, nagsagawa ang MPT South ng ‘Drayberks’ road safety program, isang social advocacy para isulong ang road safety sa mga expressway sa mga driver at operator ng PABODA para ipakita ang suporta ng mga kumpanya sa pagpapatuloy ng operasyon ng Jeepney.

Ang kilusang Tuloy Pa Rin Ang Pasko, na pumukaw ng diwa ng Bayanihan, ay naglalayong maabot ang mga komunidad na apektado ng pandemya at iba pang kalamidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng Noche Buena goods at iba pang mahahalagang bagay para sa isang masayang Pasko. Ito ay pinasimulan ng MVP group of companies at foundations sa pamumuno ng chairman nitong si G. Manuel V. Pangilinan.

Ang MPTC ang pinakamalaking tagabuo at operator ng tollway sa Pilipinas. Bukod sa CAVITEX, may hawak din ang MPTC ng concession rights para sa CAVITEX C5 Link, Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road, at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu. 

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.