MPT South at DILG 4A, lumagda sa kasunduan para sa road safety at pagpapalakas ng turismo sa CALABARZON

0
274

Nilagdaan Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) at Department of Interior and Local Government – CALABARZON (DILG IV-A) para sa pagsasagawa ng road safety education campaign at tourism promotion activities para sa rehiyon.  

Sa bisa ng MOU, magtutulungan ang DILG IV-A at MPT South sa pagbibigay ng dagdag na kaalaman tungkol sa local governance at social development sa pamamagitan ng Local Governance Resource Center (LGRC) facility. Ito ay isang dynamic, interactive at virtual program na nagsisilbing sentro ng kaalaman sa pagbabahagi sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon ng iba’t ibang impormasyon. Makakatulong ito sa pagpapaunlad ng kanilang mga kapasidad sa pagpapatakbo ng kani-kanilang mga bayan at siyudad.  

Katuwang ang DILG IV-A, inaasahan ng MPT South na mapapaigting nito ang pagsasakatuparan ng iba’t ibang social advocacy projects nito gaya ng ‘Drayberks’ at ‘Bayani Ka’ na pawang mga road safety programs na naghihikayat at nagtuturo sa iba’t ibang motorista at komunidad ng mga alituntunin sa expressway at sa mga pamamaraan upang maituring na road safety advocates.  

Layunin ng “Draybers” road safety seminar na maiwasan ang pagkakaroon ng mga road accidents sa mga mga toll roads ng MPT South: Manila-Cavite Expressway (CAVITEX); CAVITEX C5 Link; at Cavite-Laguna Expressway (CALAX). Habang ang Bayani Ka naman o Bayani ng Kalsada, ay nagnanais na magbigay ng karagdagang kaalaman hinggil sa batas na Limited Access Facility Act (R.A. 2000).

Kasama rin sa mga nakalatag na proyekto ng MPT South at ng DILG IV-A ang pagsusulong ng turismo sa CALABARZON sa pamamagitan ng paggawa ng mga multimedia materials upang maipagmalaki ang iba’t ibang mga pagkain, lokasyon at tanawin sa rehiyon gamit ang Biyaheng South social media accounts at iba pang programa ng DILG IV-A.

   

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.