MPT South, PAWS magtutulong sa Love Pets, Save Lives program

0
282

   

Sa ilalim ng MoU, magtutulungan ang MPT South at PAWS sa programang “Love Pets, Save Lives.” Kabilang sa programa ang pagbibigay ng mga seminar sa responsible pet ownership, kasama ang libreng spaying at neutering service o pagkakapon ng mga aso at pusa. Mamamahagi din sila ng libreng bitamina para sa aso at pusa ng mga indigent pet owners sa iba’t ibang komunidad na nasasakupan ng MPT South. 

“Ito ay isang milestone para sa MPT South sa pagtulong at paghahatid ng mas sustainable na pamamaraan para masolusyunan ang isyu sa mga pagala-galang hayop sa loob ng aming expressway. Sa aming pakikipagtulungan sa PAWS, plano naming malutas ito sa pamamagitan ng mga pagtuturo ng responsableng pangangalaga ng mga hayop sa aming mga komunidad kaakibat ng  pagbibigay libreng serbisyo ng pagkakapon sa kanilang mga alagang hayo,p ” ayon kay Raul L. Ignacio, pangulo at general manager  ng MPT South. 

“We, at the Philippine Animal Welfare Society (PAWS), are honored to be partners of MPT South for its “Love Pets, Save Lives” program. PAWS and other NGOs work at preventing animal cruelty and pet homelessness. It is the first of its kind for an expressway developer to launch an animal welfare program. This, in itself , breaks barriers and gives hope for an organization like PAWS – that more and more companies are seeing the wisdom of a PREVENTIVE approach to the stray problem,” ayon naman kay Anna Cabrera, Executive Director ng PAWS. 

Sisimulan na ng MPT South at PAWS ang “Love Pets, Save Lives” program ngayong lingo sa Don Galo Sports Complex, Paranaque City sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Barangay Don Galo at Barangay La Huerta.  

Ang PAWS ay isang rehistradong non-profit, volunteer-based na organisasyon na nakatuon sa pagpoprotekta at pagsulong sa makataong pagtrato sa mga hayop. Naniniwala ito na ang pagbibigay ng libre o abot-kayang pag-kapon sa mga hayop ay ang pangmatagalang solusyon sa kawalan ng tirahan ng mga ito.  

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.