MPTC nag award ng brand new Geely Okavangko Urban sa winners ng 2022 Happy Holideals Raffle

0
223

Ibinigay ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang premyong dalawang brand new Geely Okavango Urban sa mga grand winner ng 2022 Happy Holideals Raffle Promo kaninang umaga.  

Kabilang sa mga mapapalad na nagwagi ng Geely Okavango Urban Winners sina Mischell Gonzales at Ronnick Royal 

Nanalo naman ng Php 100,000 cash prize sina Michael Dominic Salvacion, Claren Welch Sison, Rodolfo Roblelos , Donna Vergara, Clariezel Dizon, Danilo Geronimo, Elizabeth Nicolas, Grace Valencia, Jaime Cu, Andrea Jean Rodriguez, Jayson Lloyd Geraldino, Mcniel Viray, Donald Cornel, Virgie Lyn Ranay, Demetrio Buenaflor Jr., Lawrence Twano, Emerson Elaco., Archimar Martin, Abelardo De Jesus Jr. at Shereen Estilong.

Ang nabanggit na raffle promo ng MPTC ay inilunsad noong Disyembre 15, 2021, bilang pasasalamat sa mga motorista na patuloy na dumadaan sa MPTC toll roads: NLEX, SCTEX, CAVITEX, CAVITEX C5 LINK, at CALAX. Ang mga registered RFID users na dumaan sa mga nabanggit na expressway na may balanse sa kanilang RFID mula noong Disyembre 20, 2021 hanggang Enero 1, 2022 ay awtomatikong kasali sa raffle promo.   

Sa awarding ceremony na ginanap sa Geely North EDSA showroom, personal na binati ng MPTC President at CEO na si G. Rodrigo E. Franco ang mga grand prize winners. Dumalo din sa awarding ceremony ang President at CEO ng Sojitz G Auto Philippines na si G. Yosuke Nishi na nagpaabot din ng kanyang pagbati . 

“As we continuously aim to provide an exceptional level of customer service, so is our desire to express our gratitude to our motorists, especially our loyal RFID users, and we hope that this promo was able to do that. MPTC will continue to improve services and pursue different ways to reward our motorists for their patronage of our toll roads – NLEX, SCTEX, CAVITEX and CALAX as the gateway to their destinations in the North and South of Luzon,” ayon kayi MPTC President and CEO, Mr. Rodrigo E. Franco sa kanyang mensahe.  

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.