Mura at masustansyang ulam

0
935
A woman eating nutritioous food
A woman eating nutritioous food
A woman eating nutritious meal
A woman eating a nutritious meal

Kailangan nating magtipid sa pagkain sa panahon ngayon ngunit ang pag iisip ng ulam na iluluto sa araw araw ay hindi madali. Ang totoo, ay malaking hamon ito sa maraming maybahay. 

Narito ang isang recipe ng mura at masustansyang ulam. Ang mga sangkap nito ay mabibili kahit saang palengke at madali din ang paraan ng pagluluto nito. Idagdag natin ito sa listahan ng mga pang araw araw ninyong lutin.

Tortang sitaw

Mga sangkap:

2 tali ng sitaw

2 itlog

1 katamtamang laki ng sibuyas

Asin

Paminta

Mantika

1 ½ kutsarang harina

Paraan ng pagluluto:

  1. Hugasan ang sitaw at hiwain ng 1/4 inch ang haba. 
  2. Lutuin ang sitaw sa ½ kutsarang mantika hanggang lumambot.
  3. Hiwain ng pino ang sibuyas
  4. Batihin ang itlog at ilagay ang sibuyas, asin at paminta
  5. Ihalo ang stir fried sitaw at ilagay ang harina.
  6. Haluin hanggang wala ng buong harina.
  7. Magpainit ng mantika sa kawali at ipirito ang sitaw na may itlog ng tig iisang kutsara ang laki.
  8. Iprito hanggang pumula.
  9. Hanguin at ihain habang mainit.

Masarap itong isawsaw sa sukang may bawang o ketchup.

Ang sitaw ay mayaman sa vitamins at minerals. Ito rin ay may folate na 33 micrograms sa bawat puswelo ng sitaw. Ang folate ay kailangan ng mga buntis upang maiwasan ang neural tube defects ng kanilang sanggol

Ang itlog ay itinuturing na superfood ng inang kalikasan. Kargado ito sa 13 essential vitamins at minerals. Mayaman ito sa protina at maibibigay ng ilog ang 2% ng Vitamin D. 50% folate, 25% riboflavin at 40% selenium  na kailangan natin araw araw.

Calculated recipe cost: P45.00

Photo by Mikhail Nilov from Pexels

Author profile
Eunice Lagran Funtanilla