Murang bio-fertilizer para sa palay, mais at gulay isinusulong ng DA

0
505

Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang paggamit ng “Bio-N,” isang fertilzer na nakabatay sa microbial sa gitna pagtaas ng presyo ng mga kemikal na pataba, na pinalala pa ng digmaang Russia-Ukraine.

Mabibili ito sa 200-gram na sachet, ang Bio-N ay naglalaman ng mga organismo na may kakayahang mag-convert ng nitrogen mula sa hangin sa ammonium nitrogen sa lupa. Pinahuhusay nito ang paglago ng shoot at pag-unlad ng ugat at maaaring palitan ang 30 hanggang 50 porsiyento (%) ng kabuuang kailangan ng kemikal na nitrogen sa mga pananim, ayon sa UPLB-Biotech.

Lima hanggang anim na sachet ng Bio-N ang maaaring ipanghalili sa dalawang 50-kg na sako ng urea kada ektarya ng palay. Ang Urea ay kasalukuyang may presyong mula sa P2,500/bag hanggang P3,147, depende sa tatak at bansang pinanggalingan o average na presyo na P2,823.50/bag. Ang kabuuang halaga ng pataba ay lalabas na P11,294 sa average na apat na sako/ektaryang.

Sa Bio-N, na P100 lang kada sachet ay makakatipid ang mga magsasaka ng palay ng P10,694 kada ektarya sa paggamit ng lima hanggang anim na sachet.

Ipinakikita ng mga pag-aaral ng UPLB na maaaring tumaas ng 11% ang ani ng pananim gamit ang Bio-N. Bukod sa bigas, maaari din itong gamitin para sa mais at gulay.

Ang mga buto ng pananim ay hinahalo muna o “inoculated” sa Bio-N powder bago itanim. Ang mga punla ay maaari ding ibabad muna sa solusyon ng tubig at Bio-N.

“Given the exigencies of the times, we have to massively promote the use Filipino-developed technologies to enhance crop productivity and incomes of our farmers and fishers. One of these is Bio-N, that was developed 40 years ago by Dr. Mercedes Umali-Garcia of the National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (Biotech), at the University of the Philippines Los Baños (UPLB),” ayon kay Agriculture Secretary William D. Dar. (DA)

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.