Ipinahayag ng Department of Justice (DOJ) kanina ang pagsasampa ng mga reklamo sa pagpatay laban sa nasuspendidong Bureau of Corrections (BuCor) na si Director General Gerald Bantag kaugnay ng pananambang-pagpatay sa broadcast commentator na si Percival “Ka Percy Lapid” Mabasa.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang Department of the Interior and Local Government (DILG), ang Philippine National Police, at ang National Bureau of Investigation ay nagsampa ng mga reklamong pagpatay laban kay Bantag, BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta, at mga person deprived of liberty (PDL) na nauugnay sa pagkamatay ni Lapid at ang sinasabing middleman sa kaso na naunang kinilala na si Jun o Crisanto Villamor.
Kinilala ang mga PDL na nahaharap sa reklamong pagpatay na sina Mario Alvarez, Joseph Georfo, Christam Ramac, Ricky Salgado, Ronnie Dela Cruz, at Joel Reyes.
“The principle that we adopted here in charging the mastermind is the totality of all the facts given to us by all the witnesses and all the circumstances attendant to the killing. So it’s a totality test,” ayon kay Remulla.
“The totality of all the acts points out to the participation of and responsibility of those being charged,” dagdag pa niya.
Hinimok ni Remulla sina Bantag at Zulueta na isuko ang sarili at harapin ang mga kaso.
“I’d like to ask Zulueta and DG Bantag to surrender and face the charges. Kung sila ay inosente, itataguyod sila ng batas at kung sila ay nagkasala, kailangan nilang harapin ang kahihinatnan,” ayon sa opisyal ng hustisya.
Gayunman, idinagdag ni Remulla na nag utos na siya ng lookout bulletin laban sa dalawang opisyal ng BuCor.
Isa si Bantag sa 160 “persons of interest” sa kaso ni Lapid na nauna nang tinukoy ng PNP.
Sinabi ng abogado ng NBI na si Eugene Javier na ang mga pahayag ng mga saksi ay nagpakita na mayroong “malinaw at direktang linya ng komunikasyon” mula kay Bantag at Zulueta sa mga lider ng gang na nakipag-ugnayan kay Labra at kalaunan ay nakipag-ugnayan kay Galicia.
Si Galicia ang nag-orkestra at nagsagawa ng pagpatay kay Lapid sa pamamagitan ng kanyang mga miyembro ng gang at mga contact sa labas ng National Bilibid Prisons (NBP).
Ito, aniya, ay humantong sa partisipasyon ng self-confessed gunman, Joel Escorial, at ng kanyang mga kasabwat.
Napag-alaman din sa imbestigasyon na may malinaw na motibo si Bantag na ipag utos ang pagpatay kay Lapid dahil sa patuloy na paglalantad nitolaban laban sa kanya sa palabas na “Lapid Fire.”
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.