Musk, may $46.5B na financing at handang bilhin ang Twitter

0
242

Ipinahayag ni Elon Musk na may nakahanda siyang $46.5 bilyon na financing upang bilhin ang Twitter, at sinusubukan niyang makipag negosasyon para sa isang kasunduan sa nabanggit na kumpanya.

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Musk ang isang alok na bilhin ang kumpanya ng social media sa halagang $54.20 bawat share, o humigit-kumulang $43 bilyon. Noong panahong iyon, hindi niya sinabi kung paano niya tutustusan ang pagbili.

Sinabi ng Tesla CEO kahapon sa mga dokumentong isinampa sa mga securities regulator ng U.S. na pinag aaralan niya ang isang “tender offer” upang bilhin ang lahat ng common stock ng platform ng social media sa halagang $54.20 bawat share sa cash. Sa ilalim ng isang tender offer, si Musk, na nagmamay-ari ng humigit-kumulang 9% ng mga share ng Twitter, ay direktang mag aalok ng pagbili sa iba pang mga shareholder, at lalampasan ang board.

Ngunit hindi pa nagpapasya si Musk kung gagawin niya iyon.

Ang mga dokumentong isinampa sa Securities and Exchange Commission ay nagsasabi na ang Twitter Inc. na nakabase sa San Francisco ay hindi tumugon sa panukala ni Musk.

Kaugnay nito, sinabi ng Twitter sa isang pahayag kahapon na natanggap na nila ang updated na panukala ni Musk at ang “bagong impormasyon nito sa potensyal na financing.”

Sinabi ng kumpanya na ang board nito ay “committed to conducting a careful, comprehensive and deliberate review to determine the course of action that it believes is in the best interest of the company and all Twitter stockholders.”

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.