MWP ng Cabuyao City sa kasong panggagahasa, arestado

0
463

Cabuyao City, Laguna.  Nadakip ang rank 1 Most Wanted Person (MWP) sa lungsod na ito na akusado sa tatlong kaso ng rape.

Kinilala ni Police Colonel Cecilio R Ison Jr, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office ang inaresto na si Arnel Lopez y Corpuz, tubong Pangasinan at residente ng Block 11 Lot 7 Phase 1 Extension, Mabuhay City, Barangay Mamatid, sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ni PCol Ison Jr ang akusado na si Arnel Lopez y Corpuz, tubong Pangasinan at residente ng Block 11 Lot 7 Phase 1 Extension, Mabuhay City, Barangay Mamatid, Cabuyao City, Laguna.

Isinagawa ng akusado ang krimen noong Abril 20, 2022, Abril 21, 2022, at Abril 22, 2022, sa Block 11 Lot 7 Phase 1 Ext. Mabuhay Subdivision, Brgy. Mamatid, Lungsod ng Cabuyao, Laguna sa mga panahon na iniulat na tatlong araw na nawawala ang biktima. Sa ikalawang araw ay ipinaalam ng biktima sa kanyang nakatatandang kapatid na babae na kasama niya ang kanyang kaibigan ngunit hindi nito sinabi ang kanyang kinaroroonan. Nagsikap ang mga kaanak ng biktima na hanapin ang biktima hanggang sa matunton ang lokasyon nito at kalaunan, nalaman nilang kasama ng suspek ang biktima at tatlong beses na ginahasa ito, ayon sa report ni Ison kay Police Brigadier General Antonio C Yarra, Regional Director 4A Calabarzon.

Inaresto ng mga operatiba ng Cabuyao City Police Station ang akusado sa isang manhunt operations sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Arnold Rimon Martinez.

“The Laguna PNP continued the manhunt operation that resulted in the capture of wanted criminals. We will assure the public that the lawless criminal will be jailed and will give justice to the victim,” ayon kay Ison.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.