MWP sa Calabarzon, arestado

0
246

Calamba City, Laguna. Arestado ang Most Wanted Person regional level sa ikinasang manhunt operation ng Calamba City Police Station (CPS) kahapon sa  lungsod na ito.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna Provicial Police Office ang akusado na si Rodolfo Santos Villanueva, 22 anyos na  construction worker at nakatira sa Brgy. Pansol, Calamba City.

Sa isinagawang manhunt operation ng Calamba City Police Station ay naaresto ang ang akusado sa kanyang tinutuluyan kahapon Setyembre 18, 2022 sa ganap na 8:45 ng gabe sa Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna sa bisa ng warrant of arrest.

Ang akusado ay nasasakdal sa kasong Rape at Attempted Rape sa Family Court Branch 8, Calamba City, Laguna.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Calamba CPS habang ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest ay inaabisuhan sa pagka aresto sa kanya.

Ang pagkakadakip ay naisagawa sa tulong ng mga nakalap na impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network.

“Ang mga patuloy na nagtatago sa kamay ng batas ay patuloy na tutugisin hanggang sila ay maikulong, ang operasyon ng Laguna PNP laban sa wanted person ay hindi titigil para sa kaligtasan ng Lagunense,” ayon kay Silvio.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.