MWP sa kasong carnapping nasakote ng Batangas PPO

0
640

Calaca, Batangas. Inaresto ng mga operatiba ng Calaca Municipal Police Station (MPS) ang isang most wanted person regional level sa kasong carnapping.

Kinilala ni PCol Pedro D. Soliba, direktor ng Batangas Police Provincial Office ang suspek na si Nelson Delgado y Gonzales alias “Jun-Jun”, 23 anyos na construction worker at residente ng Sitio Sumilang, Antipolo City. 

Siya ay dinakip kamakalawa sa EDSA Ortigas Center Mandaluyong City sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Law Act of 2016 sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Marso 11, 2022 ni Hon. Judge Cristino Judit, Acting Presiding Judge, RTC Branch 10, Balayan Batangas.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Calaca MPS at walang inirerekomendang piyansa.

“Ang Batangas PNP ay hindi tumitigil sa pag-aresto at paghahain ng kaso laban sa mga may pananagutan sa batas kaya hinihikayat nito ang publiko na makipagtulungan at ipagbigay-alam sa mga otoridad ang mga katulad na kaso para sa mas mapayapang komunidad,”ayon kay Soliba.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.