MWP sa kasong murder, arestado sa manhunt ops ng San Pablo CPS

0
208

San Pablo City, Laguna. Arestado ang isang Most Wanted Person City Level sa ikinasang manhunt operation ng San Pablo City Police Office (CPS) kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge ng Laguna PProvicial Police Office ang akusado sa kasong murder na si Elmer Ranas Bon, residente ng San Pablo City, Laguna.

Sa report ng San Pablo CPS, nadakip ang akusado kahapon habang namamasada ng tricycle.

Kasalukuyang nakakulong si Bon sa San Pablo CPS custodial facility at nakatakdang humarap sa kasog murder at frustrated murder si Bon sa Regional Trial Court, Branch 32, San Pablo City, Laguna.

“Akin pong ikinararangal ang mga tauhan na ito ng Laguna PNP sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon sa pag ganap sa kanilang mga sinumpaang tungkulin na tugisin at panagutin ang mga taong nagtatago sa batas,” ayon sa mensahe ni Silvio.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.