MWP sa kasong panghahalay ng menor de edad arestado sa manhunt ops ng Bay MPS

0
233

Bay, Laguna. Arestado ang isang most wanted person na akusadong rapist sa bayang ito sa ilalim ng manhunt operations na ikinasa ng Bay Municipal Police Station (MPS)

Kinilala ni Acting Provincial Laguna Police Office Director Police Colonel Cecilio R. Ison Jr, ang akusado sa panggagahasa sa isang menor de edad na si Melvin R Alejo, 23 anyos na construction worker at naninirahan sa Sitio Marian Purok 1, Brgy. Puypuy, Bay , Laguna.

Ayon sa ulat ng Bay MPS, naaresto ang akusado kahapon sa Brgy. Villa Sta Rosa Sta Rosa, Laguna sa ilalim ng ikinasang manhunt operation ng mga operatiba ng Bay MPS.

Pansamantalang nasa kustodiya ng Bay MPS ang nadakip na akusado at nakatakdaqng humarap sa kasong rae na isinampa laban sa kanya.

“Ang mga biktima ay makakaasa na ang Laguna Pulis ay seryoso sa pagpapatupad sa aming mga sinumpaang tungkulin, at sa tulong ng ating mga mamamayan, sama-sama natin itong mapapagtagumpayan,” ayon kay Ison.

Samantala sinabi naman ni PBGen Antonio C Yarra, Regional Director, Police Regional Office CALABARZON na ang nabanggit na operasyong ay “patunay na hindi titigil ang kapulisan sa pagsawata sa mga taong may pananagutan sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.”

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.