Nabahala ang mga sugarcane farmers sa pagsasara ng milling operations ng Central Azucarera Don Pedro Inc.

0
260

NASUGBU, Batangas. Permanenteng isinara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. (CADPI), isang sangay ng Roxas Holdings Inc. (RHI), ang kanilang milling operations, na nagdulot ng mga alalahanin sa humigit kumulang na 4,000 sugarcane farmers sa Batangas kung saan nila ibebenta ang kanilang aning tubo.

Ayon sa mga dokumentong inilathala sa website ng Sugar Regulatory Administration (SRA), ipinaalam ni CADPI President at CEO Celso T. Dimarucut sa ahensya ang plano nila na “permanenteng isara” ang mga milling operations simula sa Crop Year 2022-2023.

Sinabi ni Dimarucut na nagdanas ang CADPI ng “operational at financial challenges” dahil sa mga kasalukuyang kondisyon na nakakaapekto sa industriya ng asukal sa lugar ng Batangas.

Partikular na binanggit ni Dimarucut ang paghina ng suplay ng tubo na dinadala sa mill ng CADPI, na sanhi ng “maraming external factors.” Binanggit din ng CADPI executive ang “pagkaluma” at “sobrang laki” ng mill equipment ng kanilang planta.

Sa isang pahayag sa Philippine Stock Exchange noong nakaraang buwan, sinabi ng RHI na ang sugar milling operations ng CADPI ay “mas madaling maapektuhan” ng mga hamong kinakaharap ng industriya ng tubo kumpara sa Western Visayas “dahil sa mas malakas na conversion ng mga agricultural land at kakulangan ng mga maayos na sistema ng irigasyon.”

Sinabi rin ni RHI Chairman Pedro O. Roxas na ang lokal na industriya ng asukal ay “madaling maapektuhan” ng “malalalang” pagbabago ng klima na “negatibong nag-impluwensya sa produksyon ng tubo, na nagresulta sa pangkalahatang pagbagasak ng suplay ng tubo, pati na rin ang mas mababang recovery ng asukal.”

“Ang mga nabanggit na kondisyon ng panahon, kasama na ang La Niña, ay may masamang epekto sa suplay ng tubo sa mga nakaraang taon,” sabi ni Roxas ayon sa isang pahayag sa press release noong Disyembre 14.

Kaugnay nito, nangako si House of Representatives Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kahapon na tutulong siya sa paghahanap ng pangmatagalang solusyon sa kalagayan ng lahat ng sektor na naapektuhan ng pagsasara ng Central Azucarera de Don Pedro, Inc. (CADPI) sa Nasugbu, Batangas.

Ipinahayag ni Romualdez ang kanyang pangako noong pamunuan niya ang pamamahagi ng PHP10,000 na tulong pinansyal bawat isa sa 800 na magsasakang asukal na nawalan ng kabuhayan matapos isara ang pinakamalaking sugar mill sa probinsya.

Sinabi niya na ang tulong pinansyal ay natanggap ng kanyang opisina sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala, pinangako ng mga opisyal ng DSWD na magkakaroon pa ng payouts sa mga susunod na araw upang matulungan ang mga sektor na apektado ng pagsasara ng sugar mill.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.