Nabili na ni Elon Musk ang Twitter

0
543

Tinanggap ng Twitter Inc. kahapon ang bid ni Tesla CEO Elon Musk na bilhin  ang kumpanya, na magbibigay ng kontrol sa pinakamayamang tao sa mundo sa social-media network kung saan kabilang din siya sa mga pinaka-maimpluwensyang user nito. Gusto ni Musk na gawing pribado ang Twitter bilang bahagi ng deal.

Nangako si Musk ng mga bagong features at sinabi na itutulak niya at pahihinain ang paninindigan ng Twitter sa content moderation.

“Free speech is the bedrock of a functioning democracy, and Twitter is the digital town square where matters vital to the future of humanity are debated,” ayon sa kanya sa news release tungkol sa deal.

Kung matatapos ang bayaran, ang pagkakabili sa Twitter ng $44 bilyon ang pinakamalaking bilihan sa tech history at malamang na magkaroon ng pandaigdigang epekto sa mga darating na taon kung paano gagamit ng social media ang bilyon bilyong tao sa mundo kabilang ang posibleng paghubog kung paano ginagamit ng bilyun-bilyong tao ang social media.

“I hope that even my worst critics remain on Twitter, because that is what free speech means,” ayon sa pinakahuling tweet ni Musk.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.