Nadiskubre ng BOC ang P17-M ang smuggled na sibuyas sa shipment ng ukay-ukay

0
311

Naharang ng mga awtoridad sa customs ang PHP17 milyong halaga ng mga smuggled na puting sibuyas na nakatago sa tatlong container na idineklara na may mga segunda manong damit at mga produktong pambahay sa Port of Manila.

Sa isang pahayag kanina, sinabi ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Yogi Filemon Ruiz na ang mga shipment na nanggaling sa China ay naka-consign sa SB Express Logistics and Business Solution Inc.

“The bureau has, so far, examined, detained, and seized hundreds of millions worth of shipments that contain agricultural products this month alone. If they think they can use the ‘ukay-ukay’ to hide the onions, they are mistaken,” ayon kay Ruiz.

Sumailalim ang mga container sa 100 porsyento physical examination noong Disyembre 23, matapos maglabas ng alert order (AO), ayon sa kanya.

Ayon sa orihinal na deklarasyon, naglalaman ito ng mga plastik na balde, blusang pambabae, tsinelas ng kababaihan, plato at pellet cat litter.

Gayunpaman, sa pagsusuri sa unang container ay nakita ang mga sako ng dilaw na sibuyas na nakatago sa pagitan ng mga sako ng ukay-ukay.

Ang pagsusuri ay nasaksihan ng nakatalagang Customs examiner at mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA), Bureau of Plant Industry, Chamber of Customs Brokers Inc. at Customs Intelligence and Investigation Service.

Bukod sa mga container na kasama sa ilalim ng AO na ito, pito pang container na naka-consign sa parehong kumpanya ang naka-hold sa bureau dahil sa hinala ng misdeclaration ng mga item.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.