Nag-anunsyo ang mga fuel firms ng pagtaas ng presyo ng langis

0
479

Inaasahan ng mga motorista ang mas mataas na presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes, ayon sa mga kumpanya ng langis.

Sa magkahiwalay na abiso, nag abiso ang SeaOil, Caltex, Jetti, UniOil, Phoenix Petroleum, at PTT Philippines sinabi na tataas ng ₱0.35 kada litro ng gasolina.

Ang presyo naman ng diesel ay tataas ng ₱1.40.

Sinabi rin ng SeaOil at Caltex na ang presyo ng kerosene ay tataas ng ₱1.20 kada litro.

Ayon sa obserbasyon, tumaas ng ₱4.20 kada litro ang presyo ng gasolina hanggang May 15.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo