Nag-donate ang South Korea ng 34 cold chain trucks, service vans sa PH

0
181

Nag-donate ng 34 units ng cold chain trucks at 4 na service van ang Korea nag nagkakahalaga ng USD1.5M o Php77M.

Ayon sa South Korean Embassy sa Maynila, ang pinakahuling tulong ay suporta sa National Immunization Program ng Pilipinas sa Covid-19 inoculation efforts ng gobyerno.

Ipapakalat ang mga sasakyan sa iba’t ibang regional office ng Department of Health sa pamamagitan ng Center for Health Development upang suportahan ang cold chain na transportasyon ng mga bakuna.

Sa ngayon, ang South Korea ay nakapagpadala na ng kabuuang P10.6 bilyong halaga ng tulong sa pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19, kabilang ang P200 milyong suporta sa badyet, at mahigit na 500,000 dosis ng bakunang AstraZeneca, bukod sa iba pa, ayon sa embahada.

Sinabi ng embahada na patuloy na magbibigay ng suporta ang South Korea sa Pilipinas sa pagsisikap nitong tumugon at makabangon mula sa pandemya.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.