Nag reshuffle ng 16 na heneral ang PNP bago sumapit ang botohan sa Mayo 9

0
494

Brig. General Antonio Yarra, bagong hepe ng Police Regional Office 4A (Calabarzon)

Nagkabisa kahapon ang pinakahuling reshuffle ng 16 na matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Sa utos na may petsang Enero 31, itinalaga ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos si Brig. Gen. Remus Medina, hepe ng Drug Enforcement Group (PNP-DEG), bilang bagong direktor ng Quezon City Police District (QCPD), kapalit ni Brig. Gen Antonio Yarra.

Si Yarra ay itinalaga bilang bagong hepe ng Police Regional Office 4A (Calabarzon), kapalit ni Brig. Gen. Eliseo Cruz na ngayon ay deputy director ng Area Police Command (APC) sa Visayas.

Samantala, si PNP Training Service director Brig. Gen. Bernard Banac ang mamumuno ngayon sa PRO 8 (Eastern Visayas), kapalit ni Brig. Gen Rommel Cabagnot, na na-reassign sa Office of the Chief PNP (OCPNP).

Noong Lunes, sinabi ni Carlos na hindi bababa sa 38 police commander sa National Capital Region at iba pang bahagi ng bansa ang na-reassign sa ibang mga pwesto alinsunod sa patuloy na pagsisikap ng PNP na ihiwalay ang organisasyon mula sa local partisan politics.

Aniya, ang mga na-reassign na epektibo noong Enero 8 ay binubuo ng mga provincial directors, city directors, at chiefs of police.

Itinalaga si Brig. Gen AntonioYarra bilang bagong hepe ng Police Regional Office 4A (Calabarzon), kapalit ni Brig. Gen. Eliseo Cruz. Photo credits: Maharlika TV
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.