Nagbabala ang DOH laban sa fake info sa mga sintomas ng Omicron XBB

0
294

Nagbabala ang Department of Health (DOH) kahapon sa publiko laban sa kumakalat na maling impormasyon sa mga sintomas ng subvariant ng Omicron XBB.

Sinabi ng departamento na dapat maging maingat ang publiko sa mga mensaheng natatanggap nila sa pamamagitan ng mga text at social media, na binanggit ang DOH Memorandum No. 2022-0578 na nagpapaigting sa mga aktibidad sa pagbabantay sa gitna ng panibagong pagtaas ng sakit na coronavirus sa China.

“The said document was issued to intensify surveillance activities amidst rising Covid-19 cases abroad,” ayon sa advisory ng DOH.

Ipinaliwanag ng DOH na ang sakit na coronavirus 2019 (Covid-19) ay karaniwang nagpapakita ng mga sintomas tulad ng trangkaso o lagnat, ubo, pagkapagod, pagkawala ng panlasa o pang amoy, pamamaga ng lalamunan, sakit ng ulo, pananakit ng katawan at pagtatae at iba pa.

Noong Martes, binalaan din ng DOH ang publiko laban sa isa pang mensahe na ipinapakalat tungkol sa isang “upper respiratory infection” sa China.

Hinikayat din ng DOH ang publiko na paniwalaan lamang ang impormasyon mula sa mga lehitimong sources at platforms.

Hinimok nito ang publiko na kumunsulta sa isang manggagamot o magtungo sa pinakamalapit na health facility para sa tamang pagsusuri ng mga sintomas.

Upang makatulong na maiwasan ang higit pang pagkalat ng Covid-19, pinapayuhan ang publiko na patuloy na mag-obserba ng tamang sanitasyon, masking, distancing, magandang bentilasyon at pagpapa bakuna.

Ang China ay nasa gitna ngayon ng pagtaas ng mga impeksyon sa COVID-19, na pumutok isang buwan lamang matapos alisin ang mga paghihigpit sa COVID-19.

Ang muling pagdagsa ay nag-udyok sa ilang mga bansa na suriin sa COVID-19 ang mga manlalakbay mula sa China.

Samantala, sinabi ng DOH na wala pang mga kaso sa bansa ng XBB 1.5 subvariant — isang recombinant ng BA.2.10.1 at BA.2.75 na mga sub lineage, at kilala na kumalat sa isang nakakatakot na rate sa US na may mataas na kakayahang umiwas sa immunity.

Gayunpaman, iniulat ng DOH na walong Pinoy na bumiyahe mula China ang nahawaan ng COVID-19 pagdating sa bansa. Ang lahat ng mga taong ito ay hindi nabakunahan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.