Nagbabala ang DSWD laban sa solicitation scam gamit ang mga pekeng permit

0
235

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa pagbibigay ng monetary o in-kind na suporta sa mga manloloko at scammer na gumagamit ng mga pekeng solicitation permit na diumano ay para sa kapakinabangan ng mahihirap na sektor.

Ipinalabas ang babala matapos makatanggap ng impormasyon ang DSWD na ang isang grupo, na Development for the Blind Welfare Philippines, Inc, ay nagsasagawa ng public solicitation na nagpapakita ng Certificate of Fundraising na diumano ay inisyu ng DSWD. Ang pekeng sertipiko ay naglalaman ng huwad pirma ng noon ay si DSWD Field Office III Director at ngayon ay Assistant Secretary Marites M. Maristela.

Sinabi ni Assistant Secretary Maristela na ang paggamit ng pekeng Certificate of Fundraising, gamit ang kanyang pangalan, ay labag sa batas at hindi awtorisado. Mariin niyang itinanggi ang pagiging tunay ng sertipiko.

Ikinalulungkot niya na may mga indibidwal at pamilya na nabiktima ng ilegal na aktibidad na ito ng nabanggit na grupo.

Umapela si Assistant Secretary Maristela sa publiko na tulungan ang DSWD na pigilan ang grupong ito na higit pang makapambiktima sa pamamagitan ng pag-report sa pinakamalapit na tanggapan ng DSWD o police station sakaling sila ay lalapitan ng sinumang may dala ng pekeng sertipiko.

Pinayuhan ng DSWD ang publiko na i-verify ang pagiging lehitimo ng anumang solicitation campaign sa agency bago magbigay ng anumang uri ng tulong. Ang pag-iingat na ito ay hindi naglalayong pahinain ang bukas-palad na diwa ng mga Pilipino, ngunit upang matiyak na ang pampublikong solicitation ay hindi sinasamantala ng mga masasamang tao at grupo. (DSWD)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo