Nagbalik-tanaw ang DTI 4A, DTI-Laguna sa mga ginawang pagsisikap sa isang forum ng mga stakeholder

0
251

San Pablo City, Laguna. Ipinamalas ng Department of Trade and Industry CALABARZON Region ang lakas at tagumpay nito sa isang forum ng mga stakeholder kaninang umaga. Itinampok dito ang huling anim na taon ng patnubay sa pamamagitan ni DTI Secretary Ramon M. Lopez kung saan ay napatunayan na naihatid niya ang ahensya sa tamang direksyon.

Sa ginanap na  MOVING ON CALABARZON: A Stakeholders’ Forum, ang mga stakeholder ay nabigyan ng updates sa mga programa at tagumpay ng DTI-Laguna at DTI CALABARZON bilang isang rehiyon.

Bilang suporta sa mga pagsisikap ng nabanggit na ahensya, sinabi ni San Pablo City Mayor Loreto “Amben” S. Amante, na “hindi matutumbasan ang mga nagawa ng Rehiyon 4A dahil nakatulong ito sa mga negosyante, partikular sa lungsod ng San Pablo.”

Tinukoy ni Regional Director Marilou Q. Toledo ng DTI 4A ang layunin ng kaganapan na “itala sa kasaysayan ang mga kahanga-hangang aktibidad mula sa taong 2016 hanggang sa kasalukuyan”. Ito ay isang mahalagang gawain para sa CALABARZON bilang isang Rehiyon upang maabot ang mas mataas na pagpapaunlad ng MSMEs at pagprotekta sa mga mamimili.

“Binigyang-diin din ni PCCI 4A Regional Governor Romeo Race ang pakikipagtulungan sa DTI at LGU San Pablo” upang matulungan ang mga maliliit na negosyo sa pag-angat ng kanilang laban sa hanapbuhay.

Dagdag dito, nagpaabot ng pasasalamat si DOST Regional Director Emelita Bagsit sa DTI 4A sa pagpapatibay ng mga gawaing ukol sa pagtulong sa mga negosyante na magkaroon ng kaalaman sa negosyo at sa paggamit ng dami ng naaangkop na equipment upang bigyang-daan ang pagbabago.

Sa huling bahagi ng forum, ibinahagi ni DTI Secretary Ramon M. Lopez ang mga pagsulong ng ekonomiya na naranasan ng bansa sa nakalipas na mga taon at sinabi na ang DTI ay nagbigay ng “serbisyong higit pa sa inaasahan” na isinagawa ng mga empleyado nito at “lumakad ng dagdag na milya na may ngiti”.

Sa pamamagitan ng isang maikling audio visual presentation, ang pamana ng ahensya sa nakalipas na anim na taon ay muling binuhay habang ang DTI ay patuloy na nagtatakda ng pamantayan sa pagbibigay ng pinakamainam na serbisyo sa publikong Pilipino. Bukod dito, ang mga piling MSME ay nagbigay ng buhay na patotoo kung paano nakatulong ang DTI sa pagpapaunlad ng  kani-kanilang mga negosyo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.