Nagbitiw na sa pwesto sa Department of Agriculture (DA) si Undersecretary Leocadio Sebastian kasunod ng kanyang tungkulin sa hindi awtorisadong paglagda sa isang order sa pag-import ng asukal, ayon sa Malacañang kagabi.
Si Sebastian ay nagsumite ng kanyang liham na may petsang Agosto 11, na nag-sasabing “to be relieved of my delegated authorities and the assignments and responsibilities in my capacity as Chief of Staff and Undersecretary.”
Inamin niya na hindi nagbigay ng awtorisasyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapalabas ng kautusan, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Nanindigan si Cruz-Angeles na “ilegal” ang ginanap na pagpupulong para sa pagpapalabas ng hindi awtorisadong resolusyon dahil hindi ito ipinatawag ni Marcos, na concurrent chair sa Sugar Regulatory Board.
Inihayag ni Cruz-Angeles nitong Miyerkules na tinanggihan ni Marcos ang panukala ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na mag-angkat ng 300,000 MT ng asukal sa gitna ng mataas na presyo ng asukal sa merkado.
Bago ang anunsyo ni Cruz-Angeles, ang resolusyon na diumano ay nag-apruba sa pag-aangkat ng asukal, ay na-upload sa website ng SRA ngunit nabura sa kalaunan.
Si Sebastian ay lumagda sa resolusyon.
Isang kopya ng resignation letter ni Sebastian ang isinapubliko ng Office of the Press Secretary.
Humingi ng paumanhin si Sebastian kay Marcos at inako ang responsibilidad sa iligal na pagpapalabas ng resolusyon. (PNA)
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo