Nagdaos ang DAR ng harvest festival sa Cavite demo farm

0
463

Naic, Cavite. Nagsagawa ng harvest festival ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa lalawigan ng Cavite sa 6,000 sq.m. vegetable demo farm sa Joselito Tibayan’s Farm sa Palangue 2-3 sa bayang ito.

Sinabi ni DAR-Cavite Provincial Agrarian Reform Program Officer II James Arthur T. Dubongco na sa ang demo farm ng mga gulay ay katuwang ang DAR provincial office sa Cavite, pamahalaang munisipyo ng Naic, Department of Agriculture (DA), East-West Seed Philippines, at Palangue Agrarian Reform Cooperative (PARC).

Ipinaliwanag niya na ang demo farm ay nagpapakita ng iba’t ibang gulay at nagsilbing larangan ng pag-aaral para sa dalawampu’t walong (28) magsasakang miyembro ng tatlong DAR assisted agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs) na nakalista sa ilalim ng DAR’s Farm Business School (FBS), kung saan ay ipinakilala ang teknolohiya sa pagsasaka.

“Your established demo farm is undeniably the fruit of your hard work, coordination, and unity. We want to congratulate all of you on the successful implementation of the project. So you can see, there is money in farming and vegetable production,” ayon kay Dubongco.

Nagpasalamat din si Tibayan sa DAR, DA, Department of Trade and Industry (DTI), local government unit (LGU) ng Naic, East-West Seed, at iba pang katuwang na ahensya sa kanilang walang sawang suporta sa nabanggit na samahan. “We are deeply touched by your determination to uplift the status of our lives by simply providing us the different support services,” ayon sa kanya. 

Sinabi ni Tibayan na naniniwala siya na limang taon mula ngayon, magbabago ang buhay ng mga magsasaka at magiging positibo ang kanilang buhay.“Farming is one type of a business that should be studied well on how it can be developed by the farmers,” ayon sa kanya.

Naniniwala din siya na limang taon mula ngayon, magbabago ang buhay ng mga magsasaka at magiging positibo ang kanilang buhay.“Farming is one type of a business that should be studied well on how it can be developed by the farmers.

Ang demo farm ay nagpapakita ng iba’t ibang gulay at nagsilbing larangan ng pag-aaral para sa dalawampu’t walong magsasakang miyembro ng tatlong DAR assisted agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs) na nakalista sa ilalim ng DAR’s Farm Business School (FBS), kung saan ay ipinakilala ang teknolohiya sa pagsasaka, ayon pa rin sa kanya.

“Your established demo farm is undeniably the fruit of your hard work, coordination, and unity. We want to congratulate all of you on the successful implementation of the project. So you can see, there is money in farming and vegetable production,” ayon kay Dubongco.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo