Nagdeklara na ng giyera ang Russia laban sa Ukraine

0
515

Pumasok na ang mga asset ng militar ng Russia sa Ukraine upang ‘i-demilitarize’ ang bansa. Parehong naka-deploy ang ground at airforce ng Russia.

Kanina, naglabas ng pahayag ang Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin na “to anyone who would consider interfering from the outside: if you do, you will face consequences greater than any you have faced in history. All relevant decisions have been taken. I hope you hear me.”

Kasunod nito, inireport ng Ukraine ang mga pagsabog. Kumalat din sa Twitter ang mga video ng mga sumasabog na missile at ingay ng sirena sa Ukraine.

Sa Senkivika, sa Ukrainian border, pumapasok sa Ukraine ang mga tangke mula sa Belarus.

Iniulat din ng Ukraine central military command na binomba ng Russia ang ilang airport, kabilang ang Kyiv Boryspil, Nikolaev, Kramatorsk at Kherson. Ayon sa mga ulat, ang airport ng militar ng Kharkiv ay kasalukuyang nasusunog.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.