Naghahanda ang DSWD para sa buong debolusyon ng mga serbisyo sa mga LGU

0
363

Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang ganap na mailipat ang mga responsibilidad ng mga programa nito sa mga local government units (LGUs) bilang pagsunod sa Executive Order (EO) 138.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 2021, ang EO at naging epektibo ngayong taon alinsunod sa pagpapatupad ng 2018 Mandanas-Garcia Supreme Court Ruling, na nagbibigay sa mga LGU ng halos 40 porsiyentong pagtaas sa kanilang bahagi sa taunang koleksyon ng buwis ng gobyerno.

“Sa kasalukuyan, ang DSWD ay isinasaayos na iyong ating mga plano para sa pagpapasa o pag-devolve o paglipat ng kapangyarihan ng pagpapatupad ng mga social welfare service sa mga lokal na pamahalaan sa ilalim nga ng Full Devolution of Certain Functions of the Executive Branch to Local Governments po,” ayon kay DSWD Director Irene Dumlao Laging Handa public briefing noong Biyernes..

Sinabi ni Dumlao na ang mga tungkuling dapat ganap na ibigay sa mga LGU ay ang mga programa tulad ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS), Sustainable Livelihood Program (SLP), Comprehensive Program for Street Children, Assistance to Persons with Disabilities, Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), at dalawa pang serbisyong my kinalaman sa welfare.

Bukod dito, ang Social Pension para sa mga Indigent Senior Citizens at Pagpapatupad ng Centenarians Act ay nakatakdang ilipat sa National Commission on Senior Citizens.

Ang walong programa ay unang inilipat sa mga LGU sa ilalim ng Republic Act 7160 o ang Local Government Code of 1991. Sa ilalim ng DSWD Devolution Transition Plan, ang mga tungkuling ito ay unti-unting ide-devolve sa susunod na tatlong taon o hanggang 2024.

Bilang paghahanda sa ganap na pagpapatupad ng EO 138, ang DSWD ay nagbibigay ng teknikal na tulong at pagpapalaki ng mapagkukunan sa mga LGU upang matulungan silang mapalakas ang kanilang mga kakayahan sa pagbibigay ng panlipunang proteksyon at mga serbisyong pang kapakanan.

Kabilang sa mga ililipat sa responsibilidad ng mga local government units ang Comprehensive Program for Street Children ng Department of Social Welfare and Development.
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.