Naghahanda ang PH ng tulong para sa mga Pilipino sa lalawigan ng Jilin, China na tinamaan ng Covid

0
408

Inihahanda na ngayon ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing ang mga pakete ng tulong na ipapamahagi sa mga Pilipino sa Jilin, China na apektado ng tumataas na kaso ng Covid-19.

Ang northeastern province ng Jilin ang sentro ng kasalukuyang outbreak sa China.

“The Philippine Embassy in Beijing, China, is preparing assistance to be distributed to the Filipino community in Jilin and other areas under their consular jurisdiction, ” ayon sa statement ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“Currently, local travel restrictions prevent the Embassy from traveling to Jilin to visit or check on the community,” dagdag pa nito.

Sa kabila nito, tiniyak ng DFA na malapit ang ugnayan ng Embahada sa mga Filipino community leaders sa lugar.

Ang mga Pilipino sa Jilin ay maaari ding direktang makipag-ugnayan sa Embahada sa pamamagitan ng email na beijingpe.consular@dfa.gov.ph, at ang kanilang assistance-to-nationals hotline +8613911180495 para sa mga agarang alalahanin.

Ang lalawigan ng Jilin ng China ay tinamaan ng isang malubhang outbreak sa unang bahagi ng taong ito, na nagtulakk sa mga lokal na awtoridad napagbawalan ang mahigit 24 milyong populasyon nito sa paglalakbay sa loob at labas ng lalawigan.

Ayon sa mga lokal na ulat, ang mga restrictions ay nagsisimula na ngayong lumuwag at ilang mga negosyo ang nagpatuloy na ngayon sa operasyon.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.