Naghain ng Diplomatic Protest ang PH laban sa China hinggil sa karambola sa WPS

0
404

Ipinahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon na nagsumite na ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China matapos ang insidente ng pagbangga ng isang barko ng China sa resupply boat ng Pilipinas na patungo sana sa Ayungin Shoal para resupply mission noong Linggo.

Ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza, kasama sa protesta ang pagpapatawag kay Chinese Ambassador Huang Xilian kaugnay ng nasabing pangyayari.

Ngunit wala sa Maynila ang nasabing ambassador, at sa halip, ang Deputy Chief of Mission ng Embahada ng Tsina ang ipinadala upang tugunan ang mga hinaing ng Pilipinas.

Batay sa ulat ng DFA, mahigit-kumulang na 465 na protesta na ang nairerehistro ng Pilipinas laban sa China mula Enero 2020. Sa mga ito, 122 ay inihain sa ilalim ng administrasyon ni Marcos.

Sinabi ng mga opisyal mula sa National Task Force of the West Philippine Sea na lubos na mapanganib ang ginawang hakbang ng China na nagresulta sa pagkasira ng isa sa dalawang sibilyang barko ng Pilipinas matapos banggain ng barko ng China Coast Guard.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.