Naghanda ang DA ng P852-M na pondo para sa sektor ng agrikultura na tinamaan ng bagyo

0
293

Tutulungan ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda sa mga lugar na apektado ng Bagyong Odette gamit ang PHP852.47M standby na pondo.

Kasama sa badyet ang PHP500 milyong Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar; PHP148-milyong halaga ng mga buto ng palay; PHP57.6-milyong halaga ng buto ng mais; PHP44.6-milyong halaga ng sari-saring gulay; at PHP100 milyon sa ilalim ng Survival and Recovery Assistance Program ng Agricultural Credit Policy Council.

Magbibigay din ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng PHP164 milyon halaga ng fingerlings at tulong samantalang PHP625,150 na halaga ng mga gamot at biologics ang ibibigay para sa mga pangangailangan ng mga hayop at manok.

Inanunsyo din ng DA na mayroong magagamit na pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation para mabayaran ang mga apektadong magsasaka.

Ang ahensya ay patuloy na nagsasagawa ng pagtatasa ng pinsala at pagkalugi na dala ni “Odette” sa sektor ng agri-fisheries.

Nakikipag-ugnayan ang nabanggit na departamento sa mga kinauukulang ahensya ng national government, mga local government units, at mga tanggapang may kinalaman sa pagtugon sa kalamidad.

Bago bumagyo, may kabuuang lawak na 11,454 ektarya ng palay ang naani mula sa Mimaropa, Regions 6, 8, 9, 11, at 12 na may katumbas na produksyon na 34,433 metriko tonelada na nagkakahalaga ng PHP615.53 milyon.

Para naman sa mais, 2,452 ektarya ang naani mula sa Calabarzon, Mimaropa, Regions 8, 9, 11, at Caraga na may katumbas na produksyon na 6,965 metriko tonelada na nagkakahalaga ng PHP82.55 milyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.