Naghihintay na ang mga pamilya ng 6 na namatay sa bumagsak na Cessna sa Isabela

0
240

Nag-aabang na sa Tactical Operations Group 2 (TOG 2) headquarters ng Philippine Air Force (PAF) sa Cauayan, Isabela ang mga pamilya ng anim na namatay sa bumagsak na Cessna plane sa Divilacan sa Isabela noong Enero.

Inaasahang ibababa ang bangkay ng anim pasahero sa Lunes, Marso 13, mula sa Divilacan lulan ng helicopter ng PAF.

Kabilang sa anim ang pilotong si Capt. Eleazar Mark Joven, at limang pasaherong sina Tommy Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Seguerra, Xam Seguerra, at Josefa Perla España.

Nitong Sabado ng hapon, naibaba na ang anim na bangkay mula sa kagubatang sakop ng Brgy.  Ditarum, Divilacan na bahagi naman ng Sierra Madre Mountain range na pinangyarihan ng trahedya.

Bandang 1:50 ng hapon, dumating naman sa TOG 2 headquarters si Isabela Governor Rodito Albano III at nakiramay sa mga pamilya ng anim na biktima.

Matatandaan naiulat na nawawala ang eroplano matapos mag-takeoff sa Cauayan City airport patungong Maconacon nitong Enero 24 dakong 2:15 ng hapon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.