Nagkukumahog ang mundo sa paglaban sa Omicron, ang bagong variant of concern

0
187

Kung ang pagbabatayan ay ang mga naunang kumalat na Covid-19 variant of concern (VOC) na Alpha, Beta at Delta, dapat ngayon pa lang ay paghandaan na ang posibilidad ng pagpasok sa ating bansa ng Omicron variant, ang pinakabagong VOC.

Bagama’t wala pang naitatalang kaso ng Omicron sa Pilipinas ay hindi dapat maging kampante. Mabilis ang paglalakbay ng mga tao dahil sa makabagong sistema ng transportasyon na panlupa at pandagat. Nakita natin kung gaano katulin ang pananalasa ng naunang VOC. 

Kung ano ang bilis ng paglalakbay ng mga VoC siya namang bagal ng paglabas ng resulta ng Whole Genome Sequencing (WGS) na isinagawa sa ating bansa. Inaaabot ng tatlong linggo bago ipadala ng WGS ang mga sample sa Genome Center na sumusuri kung anong variant ang dumapo sa isang Covid patient. Sa madaling salita, kalat na ang virus bago pa man maipahayag ng na andyan na pala sa kanto ang bagong VOC.

Inaalam pa ng mg eksperto kung ano ano ang mga katangian ng Omicron. Kung ito ba ay mas mabilis makahawa kaysa sa Delta at kung ito ba ay nagsasanhi ng mas malalang sintomas.

Madali sanang gapiin ang mga Covid variants dahil kusa silang namamatay kapag walang madadapuang host at walang mga walwaling carrier. Maiiwasan ito kung dodoblehin natin ang pag-iingat at susundin ang public safety health protocols (PSHP) at kung pakikinggan natin ang mga panawagan ng ating mga local health offices tungkol sa pag iwas sa hawahan. Kung gagawin natin ito, malamang ay hindi kasing lubha ng nakakamatay na tadyak, sampiga at bigwas ng Delta ang magiging epekto ng Omicron sa ating bansa.

At higit sa lahat, makakatulong ng malaki kung magpapabakuna ang mga wala pang first dose man lang. Alam kong hindi ko sila makukumbinsi na magpabakuna pero sinasabi ko na rin. Nagbabaka sakali pa rin ako na magbabago ang isip nila na bigyan ng proteksyon ang mga sarili nila.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.