Nagpasalamat ang PH sa mga bakunang donasyon ng Australia

0
138

Nagpasalamat ang Malacañang kahapon sa bansang Australia sa walang patid na suporta nito sa COVID-19 pandemic response ng bansa at sa iba pang humanitarian assistance nito sa Pilipinas.

“Thank you Australia for your generosity,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nogralessa isang briefing sa Palasyo kasunod ng pagdating ng  karagdagang 293,670 doses ng Pfizer Covid-19 vaccine na donasyon ng bansang Australia sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) kahapon.

Ang Australia ay unang nagpadala ng donasyon na 1,432,080 na dosis ng bakunang Pfizer para sa mga nasa hustong gulang noong Pebrero 18.

Bukod dito, nakatanggap din ang Pilipinas ng humigit-kumulang Php 48.7 milyong halaga ng cold chain equipment, medical supplies, at iba pang tulong mula sa Australian government.

Nauna dito ay binanggit ni Health Secretary Francisco Duque III na ang Australia ay matagal nang kaalyado ng Pilipinas sa buong pandemya dahil nagbibigay ito ng technical, logistical, and in-kind assistance.

Sinabi ni Assistant Secretary Wilben Mayor, pinuno ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 Strategic Communications sub-task group sa kasalukuyang operasyon na ang mga donasyon ng bakuna ng Australia ay malaking tulong sa kampanya ng pagbabakuna ng bansa.

Sa ngayon ay nakatanggap na ang Pilipinas ng 224,836,560 na bakuna laban sa Covid-19 mula sa iba’t ibang  pharmaceutical companies na binili ng gobyerno at mga donasyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.