Nagpasalamat si Lorenzana kay incoming Manila mayor sa ‘lucky catch’

0
320

Pinasalamatan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana si Manila Mayor-elect Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na sumambot sa kanya matapos siyang himatayin sa selebrasyon ng 124th Independence Day flag-raising rites sa Rizal Park noong Linggo.

“Do you believe in miracles? I do. Last Sunday, Mayor-elect Dra. Honey Lacuna of Manila saved me from a possible life-altering injury when I fainted due to the heat and exhaustion. Thank you again, Mayor Honey, for being at the right place, at the right time!” ayon kay Lorenzana sa kanyang Facebook kahapon.

Sa bukod na post noong Lunes ng hapon, pinasalamatan din ni Lorenzana ang lahat ng mga taong nagpahayag ng kanilang mga alalahanin at nanalangin para sa kanyang kapakanan pagkatapos ng insidente.

Nauna dito ay iniugnay ni Lorenzana ang kanyang pagkahimatay sa kawalan ng pahinga at tulog mula sa kanyang kamakailang sunud-sunod na international security engagements, na kinabibilangan ng speaking engagement sa International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue (IISS) sa Singapore mula Hunyo 10 hanggang 11.

Sinabi ni Lorenzana na dumating siya ng madaling araw ng Linggo sa Maynila upang dumalo sa seremonya ng Araw ng Kalayaan.

Maaaring nagresulta sa pagod sa hectic schedule ng DND chief nitong mga nakaraang linggo dagdag pa ang sobrang init ng panahon sa Luneta, dagdg pa ni DND spokesperson Arsenio Andolong. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.