Nagpositibo sa Covid-19 si PBBM

0
282

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa pahayag ng Malacañang kahapon.

Si Marcos, na nag-positive sa antigen test ay nagpakita na siya ay positibo sa Covid-19, ay may bahagyang lagnat, ayon kay Press Secretary Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles sa isang press briefing ng Palasyo.

Presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, na na-expose sa kanyang ama, ay lumabas na negatibo sa Covid-19, ayon kay Cruz-Angeles.

Sinabi ni Cruz-Angeles na nasa labas ng bayan si First Lady Liza Araneta-Marcos, at ang dalawa pang presidential son na sina William Vincent at Joseph Simon at hindi pa na-expose sa Pangulo.

Ipinaalam na ng Presidential Management Staff (PMS) ang mga malalapit na kontak ni Marcos at pinayuhan silang mag-self-monitor para sa mga sintomas ng Covid-19.

Sinabi ni Cruz-Angeles na siya, kasama si Executive Secretary Victor Rodriguez at iba pang mga tauhan ng PMS na itinuturing na malapit na kontak ay nag-negatibo din sa Covid-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na kasama ni Cruz-Angeles sa press briefing, na kailangang sumailalim sa isolation si Marcos sa loob ng pitong araw mula nang magpositibo siya sa Covid-19.

Dahil symptomatic si Marcos, ang resulta ng antigen test ay itinuturing na “accurate,” ayon kay Vergeire.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo