Nagtalaga si PBBM ng 2 bagong NBI officials

0
306

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng dalawang bagong direktor sa National Bureau of Investigation (NBI), ayon sa Malacañang kahapon.

Sa liham na iniharap kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na may petsang Abril 3, sinabi ni Marcos na itinalaga niya sina Noel Cruz Bocaling at Romel Tuazon Papa bilang Director IV ng ahensya.

Si Bocaling ang pumalit kay Vicente de Guzman III habang si Papa naman ang pumalit kay Jose Justo Yap.

Ang NBI ay isang ahensya sa ilalim ng DOJ na nagsasagawa ng pagtuklas at pagsisiyasat ng mga krimen at iba pang mga pagkakasala laban sa batas ng Pilipinas sa inisyatiba nito at kung kinakailangan ng pampublikong interes, at nagbibigay ng teknikal na tulong kapag hiniling sa imbestigasyon at pagtuklas ng mga krimen at iba pang mga pagkakasala.

Nakikipag-ugnayan din ito sa iba pang pambansa at lokal na ahensya ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at nagtatatag at nagpapanatili ng isang up-to-date scientific crime laboratory..

Ito rin ay gumaganap bilang isang pambansang clearinghouse ng mga kriminal at iba pang impormasyon para sa paggamit ng lahat ng prosecuting at law enforcement entity ng Pilipinas.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.