Nagtalaga si PBBM ng mga bagong opisyal ng DOTr, MRT

0
180

Pinangalanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga bagong opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at ang attached agency nito na Manila Metro Rail Transit -Line 3 (MRT-3).

Sa Facebook post kahapon, inihayag ng DOTr na si Jorjette Aquino ay itinalaga bilang Transportation Assistant Secretary for Railways. Sina Federico Canar Jr. at Oscar Bongon ay tinangkilik din bilang general manager at operations director, ayon sa pagkakasunod, ng MRT-3.

Si Canar ay dating opisyal ng Light Rail Transit Authority.

Unang itinalaga ni Marcos si Bongon bilang officer-in-charge ng MRT-3 noong Hulyo.

Ang tatlong bagong appointees ay nanumpa sa harap ni Transportation Secretary Jaime Bautista, ayon sa DOTr.

Kaugnay nito, hindi pa inilalabas ng Malacañang ang appointment papers nina Aquino, Canar, at Bongon. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.