Nagtanim tayo ng lamang-lupa

0
832

Pag ganitong panahon ng summer masarap pumunta sa mga bukid at mag picnic – noong wala pang pandemic.  Ito yun panahon na ini-enjoy ng mga bata ang bakasyon nila. Kalimitan ang mga nakatira sa kabayanan o sa syudad ay nagbabakasyon sa probinsya. 

Sa aming bukid, isa sa paboritong meryenda na inihahain ng ating mga ninuno kapag bakasyon ay ang plantsadong lamang lupa. Ano nga ba ang plantsadong lamang lupa? Ito ay sinaunang merienda na may sangkap na mga root crops gaya ng gabi o taro, ube, arrowroot o uraro. Kung anong root crop ang available sa bukid ay siyang ginagawang plantsado lamang lupa. Isa sa kalimitang tanim sa bukid ay gabi kaya madalas ay ito ang ginagamit sa plantsado lamang lupa.

Ang gabi o taro (colocasia esculenta), ay tropical plant na nabubuhay sa buong Pilipinas. Isa itong  bungang ugat na isinasahog din sa iba’t ibang lutuin kagaya ng sinigang na pork. May uri din ng gabi na ang edible ang dahon at niluluto. Ang taro leaves ay ma-fiber at masustansya. Main ingredient ito ng Bicol Laing.

Ang bawat bahagi ng halamang gabi ay may maraming uri  sustansya na maaaring may benepisyo sa ating kalusugan. May taglay itong flavonoids, ß-sitosterol, at steroids.  Mayroon din itong mga mineral na calcium, phosphorus, at iron. Ang murang dahon ng gabi ay mapagkukunan ng Vitamin C at B. Ang ugat naman ay may mataas na lebel ng starch at amino acids. Ang root crop na ito ay naging epektibong panlabasa malnutrition at indigestion kahit noon pang panahon ng Kastila. 

Noong bata pa ako maliban sa dahon ng saging, ang dahon ng gabi ay ipinambabalot din sa nami o yam. Isang uri din ng lamang lupa o bungang ugat. 

Minsan nasa paligid lamang natin ang mga pagkaing mura at masustansya. Hindi lamang natin napagtutuunan ng pansin. Ang pagtatanim sa bukid ay may malaking kapakinabangan hindi lang sa kalusugan kundi natutugunan din nito ang kalam ng ating sikmura.

Kaya kapag tayo ay panahon, nakabubuting tayo ay magtanim ng root crops gaya ng gabi, camote, uraro, kamoteng kahoy at ube.

Plantsado Lamang Lupa. Sinaunang mirienda na gawa sa pinaghalong kahit anong klaseng rootcrop, murang niyog at asukal saka iipitin sa dahon ng saging at paplantsahin hanggang maluto.
Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.