NAIA privatization, iniimbestigahan dahil sa pagtaas ng pamasahe at parking fee

0
63

MAYNILA. Pinaiimbestigahan ng mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kongreso ang pribatisasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng biglaang pagtaas ng pamasahe at singil sa parking fee.

Sa ilalim ng House Resolution No. 2316 na inihain nina Reps. Arlene Brosas (Gabriela), Raoul Manuel (Kabataan) at France Castro (ACT Teachers), binigyang-diin nilang ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) ay nagpatupad ng malalaking taas-singil, kabilang ang pagtaas ng parking fee mula ₱300 hanggang ₱1,200 simula Oktubre 1, 2024.

Bukod pa rito, inaasahan din ang dagdag-singil sa aeronautical operations sa Setyembre 2025, na magdudulot ng mas mahal na pasahe sa mga pasahero at cargo services.

Ayon sa mga mambabatas, dapat gobyerno ang manguna sa pagpapaunlad ng pampublikong imprastraktura, hindi mga pribadong kumpanya na nakatuon lamang sa tubo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.