Nakakaloka ang resulta ng election survey. Kayo na lang ang maniwala!

0
410

Halos isang buwan mula ng isinagawa ang survey ay saka inilabas ang resulta. Ilang libong katao lang ang tinanong sa buong Pilipinas na may mahigit 7 libong isla at humigit kumulang na 60 milyong rehistradong botante.

Kung ang intensyon ng surveyor at ng iba pang survey and polling company ay maging giya sa pagpili ng mga kandidatong iboboto ang resulta ay malaking pagdududa ang personal na nararamdaman ko.

60% ang pumapabor diumano sa nangungunang kandidato sa pagkapangulo ilang araw matapos mag umpisa ang opisyal na kampanyahan. Wow na wow!

Ibig sabihin ay kung 50 milyon ang boboto ay 30 milyong ang makokopo ng nangungunang si dating Senador Bongbong Marcos. 15% lang ang sa may ibig sa pumapangalawang si VP Lenie Robredo o 7,500,000 o kalamangan na 22,500,000.  At ang natitirang bilang ay paghahatian pa nina Isko Moreno, Manny Pacquiao,  Ping Lacson, Leody de Guzman at iba pang presidentiables. Wow na wow ulit!

Hanggang sa ngayon ay hindi kayang paniwalaan na ang mahigit na 2 libong kataong natanong ay mapagkukunan ng tamang pulso ng mga botante lalo’t mahigit na 60 milyon ang rehistradong manghahalal. Sa sariling pananaw ay animo’y diyos na ang nagkukwenta sa sobrang kagalingan!

Kung lahat ng lalawigan ang sinarbey na may tig iisang libong random na tatanungin ng tama ay baka sakaling paniwalaan pa ang resultang inilalabas nila. Pondohan nila ng malaki kung sasabihing imposibleng maisagawa ito sapagkat lalung imposibleng paniwalaan ang 2,400 lang na natanung ay accurate na daw agad ang resulta. 

Nagtataka rin  ako kung bakit pinapatulan ng mga pahayagan, tv networks at mismong mga kandidato ang inilalabas na ganitong resulta?

Sa ganang akin ay ni hindi dapat mapalathala ang ganyang sistema ng survey. Lumalabas na parang kinukondisyon ang mga isipan at damdamin ng mga manghahalal pati na ang kalahok na mga kandidato. Napakalayo sa katotohanan at talaga namang nakakaloka!

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.