Nakapagtala ang PH ng 32.7K bagong kaso ng Covid-19, 16.3K ang nakarekober

0
342

Nagreport ang Department of Health (DOH) kahapon, Enero 21, 2022 ng 32,744 na bagong impeksyon sa Covid-19, mas mataas kaysa sa bilang noong Huwebes na 31,173, at 16,385 na bagong nakarekober.

Sa daily covid-19 bulletin, sinabi ng DOH na ang mga bagong kaso ay nagdala ng aktibong kaso sa 291,618 o 8.7 porsyento ng lahat ng napag nitalang impeksyon sa buong bansa.

Sa mga aktibong kaso na ito, sinabi nitong karamihan ay may banayad na sintomas na 277,833, na sinusundan ng asymptomatic na 9,015, ang may katamtamang sintomas sa 2,979, ang may malubhang sintomas ay 1,487, at ang nasa kritikal na kondisyon ay 304.

Ang kabuuang bilang ng recovery ng bansa ay 3,012,156 o 89.7 porsyento ng lahat ng naitalang kaso.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.