Nakarating na sa Egypt ang 227 pang Pinoy mula Sudan

0
255

Nakapasok na sa Egypt ang nasa 227 Filipino mula sa Sudan,ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, Abril 28.

Ayon sa DFA, ang nabanggit na gupo ay dagdag sa naunang 51 Filipino na nakarating na rin sa Egypt sa pamamagitan ng Argeen border.

Humarap si Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago sa mga lumikas na Filipino, kasabay ng pagtawid nito sa Sudan-Egypt border.

“There are now a total of 340 Filipinos from Sudan on Egyptian soil.There was one group of Filipinos who arrived at Wadi Halfa, Sudan on April 26,” ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza.

Iniuat din niya na may 62 iba pang evacuees ang bumiyahe sa sarili nilang kakayahan.

Kamakailan ay sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega na ilan sa mga suliranin na kanilang nararanasan ay ang mahabang proseso ng pagtawid sa border ng Egypt para sa mga dayuhan, dahil sa kakulangan ng kaukulang dokumento katulad ng passports at visa.

Sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW) noong Huwebes, Abril 27, mayroong 409 Filipinos, kabilang ang 335 overseas workers at kanilang mga pamilya, ang umalis na sa Khartoum dahil sa patuloy na bakbakan doon.

Nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa nasabing bansa na nangangahulugang ipinapatupad na ang voluntary repatriation o evacuation dahil sa walang humpay na sagupaan ng Sudanese Armed Forces at Rapid Support Forces paramilitary group.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.