Nakiisa ang Quezon PNP sa joint outreach sa Lucban

0
614

LUCENA CITY, Quezon. Sa pamumuno ni PCOL Ledon D. Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office (PPO), matagumpay na lumahok ang mga pulis ng Quezon PPO sa isang Joint Community Outreach Activity- Person with Disability (PWD) at mga Senior Citizen sa Sinag Kalinga Foundation Inc, Brgy. Ayutin, Lucban, Quezon, kahapon ng umaga.

Ang nasabing programa ay bahagi ng aktibong pagdiriwang ng ika-28 Police Community Relations Month Celebration, kung saan, kasama ang National Police Commission ay ipinapahayag ng Pambansang Kapulisan ng Pilipinas ang kanilang serbisyo na nagpapaalala sa kahandaan sa pagtulong at maaasahan saan mang lugar ng pamayanan.

Pinangunahan ni Assistant Regional Director, NAPOLCOM 4A, Atty. Glocyphine A. Chavez-España ang pagsasagawa ng Joint Outreach Program para sa mga Senior Citizen at Person with Disability (PWD). Kasama rin sa aktibidad sina PMAJ Elizabeth N. Capistrano, Acting Chief PCADU at PMAJ Arjon M. Oxina, Chief of Police ng Lucban Municipal Police Station, kasama ang NAPOLCOM- Quezon Ronald Banzuela, mga tauhan ng Regional Community Affairs and Development 4A, at ang mga staff ng Sinag Kalinga Foundation Inc. 

Kabilang sa mga itinampok sa programa ang pamamahagi ng mga tsinelas, food at grocery packs, at mga pangangailangan sa kalusugan at kalinisan sa apatnapu’t limang PWD at Senior Citizen na aktibong nakilahok sa ginanap na aktibidad. 

Naghandog din ng espesyal na awit ang isang Senior Citizen habang idinaraos ang aktibidad. Labis na nagagalak si PCOL Monte sa personal na liderato ni ARD NAPOLCOM 4A, Atty. Chavez-España, sa suporta ng Sinag Kalinga Foundation Inc – Senior Citizen Association at ng Lucban PNP na  nagresulta sa matagumpay na pagdiriwang ng Joint Outreach. 

Ipinahayag din ni PD Monte na “tuloy-tuloy ang aktibong pakikiisa ng Quezon Pulis sa pagpapaabot ng mga programang abot-kamay sinoman o saan man ng pamayanan dahil hindi lamang sa pagsugpo ng krimen maaasahan tayo, lalo’t higit sa pagpaparating ng tulong sa kababayan.”

Kabilang sa mga itinampok sa programa ang pamamahagi ng mga tsinelas, food at grocery packs, at mga pangangailangan sa kalusugan at kalinisan sa apatnapu’t limang PWD at Senior Citizen na aktibong nakilahok sa ginanap na aktibidad. (Photo: Quezon PNP-PIO)
Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.