Nakikipagsosyo ang DA sa mga agro firm upang buhayin ang hog industry sa bansa

0
390

Nakiisa sa mga pribadong sektor ang Department of Agriculture (DA) upang makaipon ng mga kinakailangang swine breeders magsisimula ng muling pagpaparami ng baboy sa pagsisikap na buhayin ang industriyang ito sa bansa na lubhang naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Pinangunahan ni Agriculture Secretary William Dar ang groundbreaking ng 5,000-sow level breeder nucleus farm, ng JG Agroventures, Inc. at Pig Improvement Company (PIC), sa Barangay Sta.Rita, Quezon, Nueva Ecija noong Biyernes.

Kapag operational na, ang makabagong pasilidad ay mapupuno ng mga PIC great grandparent (GGP) breeders, na ang mga supling o grandparent (GP) na biik ay ibebenta at ipapamahagi sa mga commercial at clustered backyard raisers sa Nueva Ecija at iba pang bahagi ng Luzon

“We are initially committing P80 million for this laudable project that will help us speed up our hog repopulation efforts under the DA’s Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) program,” ayon kay Secretary Dar.

Inatasan niya ang National Livestock Program (NLP) ng DA na pinamumunuan ni Dr. Ruth Sonaco na bumalangkas ng memorandum of agreement upang gawing pormal ang partnership sa JG Agroventures at PIC. Upang ma-bankroll ang proyekto, nag-apply ang JG ng P2.5-B loan sa Land Bank of the Philippines (LandBank).

Ilang malalaking kumpanya ng agri business ang nakikipagtulungan din sa DA upang buhayin ang industriya ng baboy, tulad ng Univet Nutrition and Animal Healthcare Company (UNAHCO) at Charoen Pokphand Foods Philippines, Corp. (CP Foods). Ang huli ay namuhunan sa isang P500-million swine breeder farm sa Isabela, at nangakong mag-produce ng karagdagang 600,000 fatteners ngayong taon. Plano rin nitong bumili ng hindi bababa sa 300,000 metric tons (MT) ng yellow corn mula sa mga magsasaka para sa negosyo nitong feedmill.

Ngayong taon, ang DA ay naglaan ng P4.1 B upang ipatupad ang “Bantay ASF sa Barangay at hog repopulation program, na nangangailangan ng paglikha ng mga swine breeder at multiplier farms, ayon kay Sonaco.

Ang nabanggit na programa ay kabilang sa mga hakbang ng DA upang muling mapataas ang produksyon ng baboy at buhayin ang industriya nito, at mapababa ang presyo ng baboy sa mga retail market.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.